Paano Gumawa ng Cover Letter / Application Letter

 Sa paghahanap ng trabaho, napaka-importante ang isang resume. Hindi lang yan ang pwedeng makapukaw pansin ng isang employer upang matanggap ka sa isang trabaho. 

“You never get a second chance to make a first impression.”

 

Kasing halaga ng resume ang cover letter o application letter to create a good first impression. Bigyang halaga at pag-ukulan mo ng oras ang paggawa ng isang cover letter para mas tumaas ang chance na makuha sa trabahong ina-aplayan. Nandito ang PaanoPinoy para matulungan ka kung wala kang idea paano umpisahan.

Paano Magsulat ng Cover Letter
Sample Cover Letter / Application Letter

Paano Gumawa o Magsulat ng Cover Letter / Application Letter


1. Sabihin mo kung anong posisyon o trabaho ang gusto mo, saan mo nakita o nalaman tungkol sa trabaho at bakit ka interesado.

2. Susunod, sabihin mo ang mga accomplishment at qualifications mo. Pero iwasan mo na sabihin ang lahat ng laman ng resume mo. Pwede mong gawing bulleted o list para mas madaling mabasa ng employer. Muli, iwasan mong pahabain. Pwede na ang isa o dalawa.

3. Sa last paragraph, pwede mong sabihin at ipaalala na sa resume mo ay doon nila makikita ang details pa ng qualifications, accomplishments, experience and education mo.

4. Tapusin mo ang cover letter sa pagsasabi na you look forward to hearing from the company, sabihin uli ang iyong interest o enthusiasm mo na malaman pa ang iba pang opportunity mula sa kanila.

Tips at Paalala

  • Ugaliin na i-check ang grammar at spelling; hindi masama o nakakahiya na mag-sangguni sa dictionary o sa mga libro. Laging isipin na sa mga konting pagkakamali ay pwedeng maka-create ng bad impression sa mga employer dahil hindi mo binibigyang pansin at halaga ang mga maliliit na detalye. May built-in function naman ang MS Word o kaya naman online grammar checker tulad ng Ginger.
  • Mag-research ka about sa company na papasukan. Kung malalaman mo ang pangalan ng HR Manager o sinumang direktang makakatanggap ng application mo, mas mabuti. Maari mong i-Google ang tungkol sa company o kaya naman magtanong-tanong sa mga tao.

  • I-print ang cover letter sa magandang printer. Huwag magpasa ng cover or application letter at resume na may dumi ng ink o kaya naman ay may lukot.
  • Keep it short. Kung maaari isang page lang ang application letter. Huwag magsulat ng drama at mabulaklak. Pwede mo itong sabihin sa interview na lang (yan ay kung tatanungin ka).
  • Paalala na iwasang mag-submit ng xerox copy na cover letter. Gumawa ka ng cover letter na angkop sa bawat pinapasukang trabaho. Huwag kang maging tamad.
  • Don't brag, be confident! 

Umpisahan mo na gumawa ng cover letter mo. At i-share mo na rin sa iba ang tungkol dito. Good luck!

Comments

  1. Thak you for this guidelines. Nakatulong talaga to sa'kin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Salamat naman at nakatulong sayo! Good luck!

      Delete
  2. ano naman ang dapat size ng paper?

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular Posts