Common na mga Tanong sa Job Interview: Why do you deserve this position?

Common na mga Tanong sa Job Interview: Why do you deserve this position?


Common na mga Tanong sa Job Interview
Mga Tanong sa Interview

May nag tanong sa Facebook page:
"Hello po. anu po dapt sagutin kapag tinatanong na "why do u deserve for this position" pls help.. thanks"

Eto pa sagot ko:
Paano daw ba sagutin yung "why do you deserve (to be accepted) for this position?"

Una, lagi kong sinasabi dapat malinaw sayo kung ano yung papasukan mong position sa trabaho para naman alam mo yung goal or objective at dun lahat patungo yung sagot mo.

In a general way to answer this, eto po mga pointers. (No, i cant tell you specific things kasi di ko po ugali ang mag spoonfeed.) I-tagalog natin yung tanong "bakit ka karapat-dapat sa posisyong eto?". Ano ba yung "dapat"? Para sa akin ang dapat ay akma, tumpak, swak, bagay, pasok sa banga.

Kung cashier ang papasukan mong trabaho, isipin nyo ano ba ang trabaho ng cashier? Taga singil, taga hawak ng pera, humaharap sa tao. Minsan sa kadalasan bagger pa. Then next, kung ikaw may-ari ng business. Ano ba ang hahanapin mo sa kukunin mong cashier? Syempre, gusto ko yung tapat. Hindi nagbubulsa ng pera, tama ang pagsukli, marunong makisama sa tao, maayos mag lagay ng products sa bag o kahon, iniingatan yung pinamili ng customer. Magalang. Nakangiti.

May idadagdag pa ba kayo? For sure, namimili kayo sa grocery o tindahan. Ano yung ayaw nyo sa cashier?

I think medyo nasagot ko na yung tanong. Connect the dots na lang po kayo.

Mga related post tungkol sa trabaho nasa Paano Trabaho category.

* A simple "Thank you" is truly appreciated by liking us on Facebook or share this post*



Comments

  1. Hi po patulong naman po kng ano kadalasan itatanong kapag technical support po ung aaplyan... interview ko po kase this week thank you po

    ReplyDelete
  2. Hi po ano po kadalasang tanong kapag technical support ung aaplyan

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular Posts