Skip to main content

Paano Gawing SIM Card ng iPhone 5 ang Lumang SIM ng Libre

Photo credit: http://absinthejailbreak.com/
Paano Gawing SIM Card ng iPhone 5 Ang Lumang SIM ng Libre
(Mula mini SIM, Gagawing Nano SIM)

Dati Nokia, pumasok Eriksson, tapos nagka Alcatel, ngayon nalaos yung mga nauna at dumating ang higanteng Iphone. Maganda ang unit, elegante, sosyal at maraming pwedeng gawin na maaring mkatulong sa ating pang araw araw na pangangailangan. Pero kung galing ka sa kabilang brand at gumamit ka ng produkto ng mga nag oopisina at nkabase sa Cupertino, malamang nkaengkwentro ka na ng ibat ibang problema, gaya ng paglipat ng mga kanta, panonood ng mga pelikula, pagbabasa ng mga nadawnload na ebooks, at pagpapalit ng SIM card.

Ang SIM card (Subscriber’s Identity Module). Ito ang puso ng mga cellphone, ito ang nagpapagana sa kanya. Dito nababasa ang ating numero at dto rin tayo nakakaconnect sa mga providers. Ito ang dahilan kung bat tayo nakakatawag, nakakatxt at nakakapasok sa internet. Isang plastic lamang na nakapaloob ay sirkito. Sa katotohanan, ang tawag sa ginagamit natin ay mini-SIM na, galing sa orihinal na SIM card na ang sukat ay katumbas ng isang credit card. Sa pagpasok ng mga ibat ibang uri ng yunit, sinama nila sa pag usad ng teknolohiya ang pagpapaliit dito, para ang espasyo na inookupa dati e magamitan pa nila ng mas kapaki pakinabang na detalye. Kaya mula sa mini SIM, lumabas yung Micro SIM hanggang sa Nano SIM.


Ang Micro Sim ay ginagamit ng Iphone 4 at 4S, habang ang Nano sim ay ang pinakabago at kasalukuyang nakapaloob sa Iphone 5.

Sa artikulo na to ipapakita natin kung PAANO gawing simcard na pang iphone ang yung lumang simcard na walang gagastusin. Na kapag sa bangketa dinala or sa store, malamang pagbabayarin ka pa, pero dto ang kailangan lang ay mga ordinaryong gamit, tyaga at pasensya lang.
 

At wala ng patumpik tukpik pa, umpisahan na natin.

 

Mga bagay na kailangan.
1. Gunting
2. Lapis
3. Ruler,
4. Tape, maganda kung double adhesive o yung sa magkabilaan ung dikit.
5. Liha, mas manipis mas maganda.



 

Paraan.
1. Idownload ang PDF Template na ito http://www.airportal.de/nanosim/How_to_cut_Mini_and_Micro_SIM_to_Nano_SIM.pdf
2. Iprint ang template sa papel na ang sukat ay A4, at siguraduhing naka 100% ang zoom nya o size.
3. Kunin ang lumang SIM card. Ipatong ito sa template,

  • Kung sa iphone 4/4S, or Micro sim kailangan, dun mo ipatong sa pinakaunang slot na korteng mini SIM,
  • Pag nkabili ng iphone 5 at Nano SIM kailangan, dun sa pangalawang slot.
  • Kung nag upgrade ka ng unit mula iphone 4/4S patungo sa iphone 5, dun ka sa huling slot
4. Pagkalagay sa tamang espasyo, siguraduhing pasok sya sa mga linya tapos kuha ng tape, isecure ang MINI sim, ang isipin ay susulatan mo ito at kailangang hindi gumagalaw.
5. Kunin ang ruler at lapis, makikita sa template ang limang linya, dalawang pababa, dalawang pahalang at isang diagonal. Gamit ang ruler, iayon ito sa isang linya, sa ibabaw ng SIM at sulatan. Gawin ito hanggang matapos lahat ng lima.
6. Kunin ang simcard, tanggalin sa template. Hawakan ang gunting. Makikita na sa SIM ang mga linya na ginawa at dun tayo magpuputol. Para sigurado, testingin mo muna ang talim ng gunting sa bahagi ng card na sigurado mong matatanggal din. Pagkaputol, subukang ilagay sa tray mismo ng SIM card sa iphone. Magbawas kung kinakailangan hanggang pumasok ang card.
7. Kunin ang liha, dahil ang nano sim ay mas manipis sa ordinaryo, iliha ang likod nito. Magandang gawin, kunin uli ung tray ng SIM card sa phone, at pag natapos iliha ang card, ipasok sa lagayan ng SIM. Sipatin kung lapat na sa tray. Wag kalimutan na ito’y tatama at hindi papasok sa unit kung me nkausli pa.
8. Ilagay sa Iphone 5.
9. Testingin.


Paalala.
1. Ito’y subok ko na at napagana ko ang iphone 5 ko sa ganitong paraan.
2. Sa paggunting, dahan dahan lang at siguraduhing matalim ang gunting.
3. Sa pagliha, linising maigi ang napakinis na card, punasan at hipan. Wag sobrahan ang pagliha, ang sirkito nya o bilog sa gitna e halos makita na dapat, pero hindi ung lalabas na sya. Tiyagain lang, malamang mahigit 4x ako sumipat.
4. Maari mong masira ang mismong iphone mo at simcard kung di nag ingat.


Sa pinoy, sa atin, parang singbilis pa ng alas kwatro ung pagpapalit ng sim sa maraming ibat ibang kadahilanan. Ito’y marahil sa kawalan ng restriksyon at batas, pagmonitor sa mga numero at sa kung sino nagmamay ari. Dumating ang Cybercrime law pero parang nakaligtaan itong bagay na to, alalahanin na kasama to sa mga IP address pa rin at gamit ang simcard pag nagkokonect sa internet.

Laging tandaan lang na mas maganda pag iisa lang ang numero mo. Sa ganitong paraan, maiiwasan mo ang paglimot at pagkawala sa mga numero ng mga kakilala at kaibigan. Isipin, wala ng sasakit pa sa taong di na nakakaalala .


Ang mga nabanggit sa taas ay hango sa mga site na ito.

ANG NAGSULAT.
HELDERVERT CO GARMA
Blog: http://whathowwhy-heldervert.blogspot.com/
Propesyon : Electrical Engineer
Uri ng trabaho: Konstruksyon
At sya’y Purong Ilokano

KONTING SALITA:
Salamat ke Admin Mary Rose at inanyayahan akong magsulat dito sa PaanoPinoy. Ito ang una kong artikulo, malamang makakita kayo ng mga mali mali sa sulat ko sa kadahilanang ako po ay namulat sa mga numero at di gano sa salita. Ang mahalaga, na sabi nga ng iba, ay ang mensahe at ang kaalaman na maibabahagi natin sa kapwa.
Naengganyo din ako sa blog na ito, kasi ito’y masasabi nating atin, madaling intindihin at malamang di ka gano magkakamali. So salamat sa pagbabasa, maligayang araw sa inyo. Ito’y umpisa pa lamang, asa Ilocano, Rugrugi pay lang detoy gayyem.

Please visit my site also at http://whathowwhy-heldervert.blogspot.com/

Kung nagustuhan paki-LIKE po sa baba at pakishare para makatulong din sa iba para di gumastos sa pagpalit lang ng sim.
 

Comments

  1. congrats sa post mo engineer!!

    ReplyDelete
  2. Myron naman, Sim Card Cutter for options, para di mahirapan magcut.

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular posts from this blog

Common na mga Tanong sa Job Interview

Job Interview: Sample Questions / Mga Tanong sa InterviewCommon na mga Tanong sa Job Interview Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot tayo sa pag-apply ng trabaho ay ang job interview. Oo nga naman nakaka-nerbyos di ba? Dahil wala kang idea kung ano nga ba ang itatanong sayo. 
Kaya nandito ang mga ilang example ng mga interview questions at nang mapaghandaan mo ang pwede mong isagot sa mga ito. 
Basahin ang mga sumusunod at i-try mo rin na sagutin habang binabasa. Practice kumbaga. 

Commonly Asked Questions in an Interview 1. Tell me about yourself. (Name, age, location, skills, experiences.) 2. Tell me about your strengths and weaknesses. (Weaknesses first then strengths, at least cite 3 of each.) 3. Where do you see yourself in 5 years? (I see myself in your company --- dugtungan mo na lang eto.) 4. Why do you want to work for this company? 5. What relevant experience do you have? (Anong work experience na meron ka na related sa job position na         ina-applyan mo ngayon.) 6. Why should I …

Paano Gumawa ng Resume: Sample Template (Halimbawa ng Resume)

Paggawa at Halimbawa ng Resume
Heto na ang isang resume sample template (halimbawa ng resume) na maise-share ko sa inyo. Actually, eto ang format ng resume ko.

Yung italics part, guide lang para sa inyo kung ano ang isusulat sa resume. Please huwag mong ilagay mismo sa resume yung "Date Started - Date Finished". Understood na yun.




Para sa Certificates, within 3 years of validity lang ang dapat isama. Kung more than 5 years na ang nakaraan mas mainam na huwag nang isama. Pero kung wala ka naman na mailagay pang iba sa section na ito, pwede na rin para pang "laman" na rin ng resume mo.

Kung may mga license ka, pwede rin na isama sa Trainings/Certificates/License section  ng resume.

At tandaan, ang reference portion or mga taong pwede nilang kontakin para mag tanong about sa iyo ay nakasalalay sa desisyon mo. Sabi nga nila, references can either make or break you.

Click here ---> Resume Sample Template / Halimbawa ng Resume. Para makita ang file nito.


You can contact me o…

Paano Sumagot sa Job Interview

Hooray! 

Nakatanggap ka ng notice for an interview. Nakapasa sa mga mata ng employer or hiring manager ang ginawa mong resume. At sana nga nakatulong ang tips na binigay namin dito sa PaanoPinoy.
Ang next na step ay ang job interview.
Basahin sa mga sumusunod ang mga ilang tips para sa iyo.


Paano Sumagot sa Job Interview:
1. Laging isipin na positibo dapat ang isasagot mo. Kung naitanong ang gap ng employment mo, pwede mong gawin na positibo sa pagsabi ng kung ano ang natutunan mo sa mga naging dating trabaho.

2. May mga instances o pagkakataon na sunod-sunod ang tanong or magkaka-dugtong ang tanong ng employer. Try to answer yung mga tanong ng buong-buo at pilitin mong tandaan ang mga tanong nila. Kaya mahalaga ang atensyon sa pakikinig sa employer. Mas propesyonal tignan kung kaya mong sagutin ang mga tanong nila nang hindi mo na kailangan pang ipaulit sa kanila. Pero kung hindi mo talaga matandaan, maging polite sa pagsabi kung maaari ba nila ulitin ang tanong nila.

3. Kailangan na sponta…