Skip to main content

Paano Gumawa ng Resume: For Students and Fresh Graduates


Ilang Tips kung Paano Gumawa ng Resume para sa mga Students at Fresh Graduates 

Ang pagkakaroon ng isang presentable na resume ay napaka-importante para makakuha ng trabaho. Kailangan ng bawat isang aplikante o ng isang graduating student ng isang impressive na resume para naman makakuha ng trabaho at kumita ng pera para sa pang araw-araw na pangangailangan. Kaya paano nga ba gumawa ng resume kung ikaw ay isang student pa lamang o kaya naman ay isang fresh graduate? Heto ang ilang tips upang makuha ang atensyon ng isang employer.


The secret of success is to be ready when your opportunity comes. Benjamin Disraeli

Photo credit: http://www.trabahophilippines.com/blog/wp-content/uploads/2010/01/Resume-Writing-Part-Three-Resume-Writing-For-Fresh-Graduates-1.jpg

Content 

Ano nga ba ang dapat nilalaman ng iyong resume?

Karamihan sa mga estudyante ay may paniniwala na kapag walang laman ang work history ay mababa ang chance na maging qualified para sa isang posisyon. Kaya naman naiisipan ng iba na lagyan ng mga kung anu-anong work history na minsan sa kadalasan ay hindi naman totoo o kaya naman totoo nga pero exaggerated. Malalaman ng isang employer kung ang nakalagay sa resume mo ay totoo o hindi. At kapag nakita nila na sa resume pa lang ay may dishonesty ka na o pagsisinungaling, malamang ibasura na lang nila ang resume mo. Ang isang resume ay hindi lamang tungkol sa work experiences at achievements mo kundi ito ay isang chance mo na ibenta ang iyong sarili (promoting yourself)  gamit ang iyong mga skills o kakayahan. 

So, anu-ano nga bang mga bagay ang dapat mong ilagay sa resume mo kung wala ka pang work experience?


Resume Components or Parts

Heading

Ito yung pinakataas na bahagi ng resume. Dito mo ilalagay ang basic information mo tulad ng pangalan, mailing address, contact numbers, email address, at kung may sarili kang website tulad ng blog mo kung meron ka. 

Educational Background

Dito mo ilagay ang tungkol sa college degree mo at mga relevant na training courses. Kahit hindi ka pa tapos sa pag-aaral, ilagay mo yung last year attended mo, yung name ng school, course/degree, at year of graduation or expected year of graduation.



Objective

May post na rin ako regarding dito, tignan mo na lang sa sitemap. Ayon sa mga na-research ko at nabasa, mainam na gumawa ka na lang ng cover letter at huwag na lang maglagay ng objective. Pero may mga ibang employer na mas gusto pa nilang diretso na lang sa resume. Kaya kung maglalagay ka ng objective sa resume mo, magsulat ka ng at least 2-3 sentences at i-describe mo kung ano ba ang goal mo para sa job position at sa iyong career.



Selected/related experience
Ibig sabihin yung related lang sa gusto mong pasukan na trabaho ang ilagay mo. Kung wala namang related experience then include mo na lang yung internship / on-the-job trainings o kaya naman volunteer positions na pinasukan mo. Isama mo na rin ang job description nito.

Skills
Okay, eto ang matatawag nating “big star” sa resume mo. It’s your time to shine! Kaya mainam na basahin mo uli ang job description ng gusto mong pasukan na trabaho and then ilagay mo dito kung ano yung kakayahan mo na angkop para sa trabaho. Of course, not limited sa kung ano ang kaya mong gawin sa ngayon kundi kung ano pa ang kaya mong i-develop.

Honors, Awards, and Recognitions
Well, this section of your resume is not necessary pero maari pa rin ito makatulong para maging patunay na masipag ka.

Activities, Affiliations, Special Interest
Tulad sa honors and awards section, hindi naman ito isang requirement pero makakatulong pa rin ito para maipakita mo ang iyong communication and leadership skills.

Style of Resume
Wala naming official na style para sa isang resume. Ang mahalaga ito ay professional-looking, maayos, malinaw, at madaling basahin. Kaya mainam na isang page lang ang resume dahil sa dami ng mga nag-a-apply ngayon for sure marami ring kailangan na basahin ang isang employer. So, dapat lang na maging outstanding ang resume mo sa gitna ng maraming resume.


Ugaliin na i-update mo ang iyong resume. Isang paraan din ito ng pag-practice sa paggawa mo ng resume. Tignan mo kung anong information ang kailangan na baguhin o idagdag pa sa bawat trabaho na gusto mong pasukan para maging eye catching, presentable and impressive ang resume mo at makakuha ka ng job offer.


Sa susunod na blog post ko ay ang mga sample resume at cover letters. If kailangan mo ng tulong or guidance sa resume mo, just contact me. Baka matulungan kita. Tulong at hindi taga-gawa... magkaiba yun. Hehehe.

Comments

  1. This comment has been removed by a blog administrator.

    ReplyDelete
  2. may nabibili bang rsume sa school supplies?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Ivy,

      Wala pong nabibili na resume. Ang meron lang is bio-data.

      Delete
  3. paano po kung wala talaga akong skills...ano pong pwedeng ilagay sa resume ?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmm sigurado naman ako na walang tao na walang skills. Meron at meron yan baka hindi mo lang binibigyan ng pansin. Ano ba ang hobbies mo? Ano ang mga interest mo sa buhay?

      Delete
  4. . anu po ba sa tagalog ang skills ??? Sorry ha ang bobo cu ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Charina, skills po ay kakayahan o kahusayan.

      Saka hindi ako naniniwala na may taong bobo. Siguro may tamad lang talaga or sa ibang bagay ang talino.

      Sabi nga kung ang batayan ng talino ay tulad sa pag akyat ng puno, iisipin ng isda na sya ay mangmang habang buhay.

      Pasensya na at medyo napahaba ang sagot. (^_^)

      Delete
  5. . hi, anu po ba ang kylangan pg gumawa ng resume sa computer ??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang kailangan mo lang ay microsoft word kung saan pwedr ka mag type ng anumang document na gusto mong gawin. Sa lahat ng computer shop meron naman nito. Magpatulong ka lang sa kanila at i-assist ka nila pati sa pag print. Yun nga lang kung hindi ka maalam sa pag type at pag gamit ng computer pwede mo naman isulat sa isang papel ang resume mo at magpa type sa computer shop na nag o-offer ng ganitobg serbisyo. Syempre eto ay may bayad.

      Delete
  6. Hi,

    Are resume pictures can be made omitted? Is it acceptable or rather allowable?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi,

      You can include it or not but it really depends on what the company requires you to submit.

      Personally, I dont require it since in my line of work appearance doesnt matter. But in case you are applying as a customer representative or the likes, the company might require it.

      In case you're not sure might as well include your picture.

      Delete
  7. Hi again,

    Thank you for your immediate response. It was really helpful to me.



    ReplyDelete
    Replies
    1. I'm glad to be of help.

      Wish you all the best and may you able to find a career success. ^_^

      Delete
  8. Wala po ba kayong sample templates po? Kaka graduate ko pa lng at 3 months na ding tambay. Aapply sana ako sa toyota as information staff. Wala akong idea pano gumawa ng resume eh. Please help

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron po. Hanapin nyo lang yung Paano Gumawa ng Resume: Sample Template (Halimbawa ng Resume). Nasa bandang kanan sa itaas. Popular posts.

      Delete
  9. Pwde po kuya pla n ang ilagay sa work experience ay ung company kung saan ako ng.OJT...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello jafet, una po babae po ako. Hehehe. Anyway, pwede mo syang ilagay under trainings and seminars. Kung may seminars kayo da school na related sa pagtatrabaho at nag attend ka, isama mo na rin. Sorry sa late reply. Medyo busy.

      Delete
  10. paano gumawa ng resume sa tulad ko di nakatapos ng high school. 3rd high school lang natapos ko

    ReplyDelete

  11. Paano po kung walang malagay sa work experience? Freshman student palang po kase ako and im planning to apply at fastfoodchains like jollibee and mcdo.

    ReplyDelete

  12. Paano po kung walang malagay sa work experience? Freshman student palang po kase ako and im planning to apply at fastfoodchains like jollibee and mcdo.

    ReplyDelete
  13. hi...po..mag aaply po ako ngayon aa savemore aa cashier pang 2nd time ko na po ito sana naman matanggap ako.heheheh paano po ba ang dapat isagot sa Why we should hire you ..at what can you contribute to oir company

    ReplyDelete
  14. hi tanong lng pwede po ba hindi na lng ilagay ang birth date sa resume?pls pa answer na mna po tahnks.

    ReplyDelete
  15. hindi na po ba importanteng ilagay yung Character references?

    ReplyDelete
  16. pwede ko po ba malaman kung may tatanggap pa saken sa edad ko na 37 years old.

    ReplyDelete
  17. hello po! tanong ko lang po kung may pag-asa pang makahanap ng work yung friend ko. Sa totoo lang college grad po siya kaya lang ngayon nahihirapan siyang maghanap dahil sa pagkakamali na nagawa niya nun college na magiging dahilan para mas lalo siyang mahirapan sa pagkakaroon ng trabaho. Pwede kaya niyang magamit ung high school diploma niya? Sana po ay may mai-suggest kayo na pwede kong i-share sa kanya. Salamat po and god bless!

    ReplyDelete
  18. Meron po nang tagalog yang mga bahahi o section ng resume?

    ReplyDelete
  19. paano naman gumawa ng video resume?

    ReplyDelete
  20. hi po,, kailangan po ba English ang sasabihin. no sa resume?

    ReplyDelete
  21. kailangan po ba english lage ang. isusulat sa resume

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular posts from this blog

Common na mga Tanong sa Job Interview

Job Interview: Sample Questions / Mga Tanong sa InterviewCommon na mga Tanong sa Job Interview Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot tayo sa pag-apply ng trabaho ay ang job interview. Oo nga naman nakaka-nerbyos di ba? Dahil wala kang idea kung ano nga ba ang itatanong sayo. 
Kaya nandito ang mga ilang example ng mga interview questions at nang mapaghandaan mo ang pwede mong isagot sa mga ito. 
Basahin ang mga sumusunod at i-try mo rin na sagutin habang binabasa. Practice kumbaga. 

Commonly Asked Questions in an Interview 1. Tell me about yourself. (Name, age, location, skills, experiences.) 2. Tell me about your strengths and weaknesses. (Weaknesses first then strengths, at least cite 3 of each.) 3. Where do you see yourself in 5 years? (I see myself in your company --- dugtungan mo na lang eto.) 4. Why do you want to work for this company? 5. What relevant experience do you have? (Anong work experience na meron ka na related sa job position na         ina-applyan mo ngayon.) 6. Why should I …

Paano Sumagot sa Job Interview

Hooray! 

Nakatanggap ka ng notice for an interview. Nakapasa sa mga mata ng employer or hiring manager ang ginawa mong resume. At sana nga nakatulong ang tips na binigay namin dito sa PaanoPinoy.
Ang next na step ay ang job interview.
Basahin sa mga sumusunod ang mga ilang tips para sa iyo.


Paano Sumagot sa Job Interview:
1. Laging isipin na positibo dapat ang isasagot mo. Kung naitanong ang gap ng employment mo, pwede mong gawin na positibo sa pagsabi ng kung ano ang natutunan mo sa mga naging dating trabaho.

2. May mga instances o pagkakataon na sunod-sunod ang tanong or magkaka-dugtong ang tanong ng employer. Try to answer yung mga tanong ng buong-buo at pilitin mong tandaan ang mga tanong nila. Kaya mahalaga ang atensyon sa pakikinig sa employer. Mas propesyonal tignan kung kaya mong sagutin ang mga tanong nila nang hindi mo na kailangan pang ipaulit sa kanila. Pero kung hindi mo talaga matandaan, maging polite sa pagsabi kung maaari ba nila ulitin ang tanong nila.

3. Kailangan na sponta…

Paano Gumawa ng Resume: Sample Template (Halimbawa ng Resume)

Paggawa at Halimbawa ng Resume
Heto na ang isang resume sample template (halimbawa ng resume) na maise-share ko sa inyo. Actually, eto ang format ng resume ko.

Yung italics part, guide lang para sa inyo kung ano ang isusulat sa resume. Please huwag mong ilagay mismo sa resume yung "Date Started - Date Finished". Understood na yun.




Para sa Certificates, within 3 years of validity lang ang dapat isama. Kung more than 5 years na ang nakaraan mas mainam na huwag nang isama. Pero kung wala ka naman na mailagay pang iba sa section na ito, pwede na rin para pang "laman" na rin ng resume mo.

Kung may mga license ka, pwede rin na isama sa Trainings/Certificates/License section  ng resume.

At tandaan, ang reference portion or mga taong pwede nilang kontakin para mag tanong about sa iyo ay nakasalalay sa desisyon mo. Sabi nga nila, references can either make or break you.

Click here ---> Resume Sample Template / Halimbawa ng Resume. Para makita ang file nito.


You can contact me o…