Skip to main content

Isang Overview Kung Paano Gumawa ng Resume


Isa sa pinakamahirap na parte ng paggawa ng resume ay kung ano nga bang mga impormasyon ang dapat ilalagay mo at bibigyang pansin or emphasis. Kailangan makuha mo ang atensyon ng HR manager o ng employer na makatatanggap ng ipapasa mong resume. 

Sa dami ng resume na natatanggap ng bawat opisina at  kahit na hindi naman siguro sila nag-advertise ng mga job vacancies malamang isang tambak pa rin ng resume ang dumadating sa kanila. 


General Tips para sa Pag-gawa ng Resume


Paano Gumawa ng Resume
Paano Gumawa ng Resume

1. Sumulat ka ng cover letter o application letter ang tawag ng iba. Ipakilala mo ang sarili mo at ilagay kung bakit ka nga ba nila dapat tanggapin. Ang cover letter ay hindi summary ng buong resume mo.

2. Alamin kung ano ang trabaho/posisyon ang gusto mong pasukan at kung ano ang mga qualifications na hinahanap nila.

3. Pumili ng design para sa resume mo. Marami naman mapagpipilian sa Microsoft Office Word o kaya sa internet. Mas maganda kung gumawa ka ng outline  at para ka na lang mag fill-in-the-blanks pag naglagay ka ng mga information sa template ng resume design na napili mo. Sa pag-gawa ng outline pwedeng isama ang objective, work experience, qualifications at references.

4. Isulat ang objective mo sa resume, make sure na ang ilalagay mo ay angkop sa posisyon/trabaho na gusto mong pasukan. At ilagay mo rin kung ano ang vision mo para sa company kung tatanggapin ka nila. Kumbaga, ano ba ang ma-ko-contribute mo. This can determine kung babasahin ba nila ang resume mo at mailagay for the next round. =)

5. Use bullet points at maging concise sa pagsulat ng resume. Highlight mo ang mga qualifications na angkop para sa trabaho. Unahin mong ilagay ang mga strengths or good points na relevant para sa posisyon. Huwag maging masyadong mabulaklak. At kung wala ka pang work experience, focus on how your education prepared you for the position for which you are applying.

6. Remain positive at iwasan ang maglagay ng mga bagay tulad ng bakit umalis ka sa dati mong pinagta-trabahuan o bakit may mga gaps sa work history mo. Ang mga bagay na ito ay pwedeng pag-usapan na lang ng personal sa interview.

Tips

  • Font size not smaller than 10 point at nasa 1- 2 pages lang.
  • Minsan may mga company or HR manager na tumitingin lang sa mga sinasabing "keywords" kaya magandang gamitin ang mga action words like prepared, directed, managed, developed, monitored, implemented, coordinated and presented sa resume mo lalo na sa cover letter.
  • At parang awa, wag maglagay ng picture na kinuha lang mula Facebook. (Meron talaga nito, marami na rin akong nakitang aplikante na nagtipid ata para sa pictures nila. Invest in your resume. It's the one thing that will sell you.)
You are hired!

Related Posts tungkol sa RESUME. <<< Click mo lang yan.

Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang  dito . At kung may nais kayong i-share o itanong maaari kayong mag iwan ng mensahe sa Contact form o kaya naman sa comment box sa ibaba. Salamat!

Comments

  1. haaha natawa ako dun sa fb pic hahaaa

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo yan. Marami na akong nakitang application letter at resume na kinuha lang sa facebook account nila mga litrato. Isang malaking facepalm.

      Delete
  2. Patulong nman po sa paggawa ng objectives katatapos q lng po ng kontrata ko bilang janitor gusto q nman mag applay as a room attendant sa hotel..bago po aq mag janitor may experence n rin po ako sa hotel

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sayo na ayaw magpakilala. Hehehe

      Gusto ko gumawa ka muna ng sarili mong objective. Eto ang post ko about that. http://paanopinoy.blogspot.com/2013/04/paano-mag-sulat-ng-objective-sa-resume.html

      Tingin ka lang sa bandang kanan... sa BLOG Archive nandun yung Paano MagSulat ng Objective.

      Pagkatapos mong basahin, comment ka uli kung ano na ang objective mo. Saka ako magbibigay ng idea or suggestion.

      Good luck!

      Naniniwala kasi ako sa "Huwag mo lang bigyan ng isda ang isang tao kundi turuan mong mangisda."

      Sige kaya mo yan. Gawa ka ng sample mo.

      Delete
  3. wala bang sample sa RESUME kahit blank lang e.cocopy ko ?

    ReplyDelete
  4. Sir need help Lang po. pwede nyo po ba ako bigyan ng tip's para mapaganda ko hung resume ko kase po gagraduate na po ako ngayong year...salamat po

    -john arcel bajade

    ReplyDelete
  5. sir. ano po bang ilalagay ko run sa reference? yung info po ba ng pag susubmit-an ko ng resume

    ReplyDelete
  6. hi first tym ko kasi gagawa ng resume. wala amn akong idea kung anong gagawin ko... pwede po bang patulong

    ReplyDelete
  7. hii ,po . dko alam gumawa ng resume . pwd patulong .. bobo ko lang ehh . sana po marepyan nio aq .. thanks

    ReplyDelete
  8. Hi can I ask question ? Ano ilalagay kpag patay na mgulang

    ReplyDelete
  9. Hi po my itatanong lang po ako ano po ba ang mga kadalasan na itanong sa interview sa call center nag apply kasi po ako bilang call center agent at wla po ako idea about call center agent tnx po

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular posts from this blog

Common na mga Tanong sa Job Interview

Job Interview: Sample Questions / Mga Tanong sa InterviewCommon na mga Tanong sa Job Interview Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot tayo sa pag-apply ng trabaho ay ang job interview. Oo nga naman nakaka-nerbyos di ba? Dahil wala kang idea kung ano nga ba ang itatanong sayo. 
Kaya nandito ang mga ilang example ng mga interview questions at nang mapaghandaan mo ang pwede mong isagot sa mga ito. 
Basahin ang mga sumusunod at i-try mo rin na sagutin habang binabasa. Practice kumbaga. 

Commonly Asked Questions in an Interview 1. Tell me about yourself. (Name, age, location, skills, experiences.) 2. Tell me about your strengths and weaknesses. (Weaknesses first then strengths, at least cite 3 of each.) 3. Where do you see yourself in 5 years? (I see myself in your company --- dugtungan mo na lang eto.) 4. Why do you want to work for this company? 5. What relevant experience do you have? (Anong work experience na meron ka na related sa job position na         ina-applyan mo ngayon.) 6. Why should I …

Paano Sumagot sa Job Interview

Hooray! 

Nakatanggap ka ng notice for an interview. Nakapasa sa mga mata ng employer or hiring manager ang ginawa mong resume. At sana nga nakatulong ang tips na binigay namin dito sa PaanoPinoy.
Ang next na step ay ang job interview.
Basahin sa mga sumusunod ang mga ilang tips para sa iyo.


Paano Sumagot sa Job Interview:
1. Laging isipin na positibo dapat ang isasagot mo. Kung naitanong ang gap ng employment mo, pwede mong gawin na positibo sa pagsabi ng kung ano ang natutunan mo sa mga naging dating trabaho.

2. May mga instances o pagkakataon na sunod-sunod ang tanong or magkaka-dugtong ang tanong ng employer. Try to answer yung mga tanong ng buong-buo at pilitin mong tandaan ang mga tanong nila. Kaya mahalaga ang atensyon sa pakikinig sa employer. Mas propesyonal tignan kung kaya mong sagutin ang mga tanong nila nang hindi mo na kailangan pang ipaulit sa kanila. Pero kung hindi mo talaga matandaan, maging polite sa pagsabi kung maaari ba nila ulitin ang tanong nila.

3. Kailangan na sponta…

Paano Gumawa ng Resume: Sample Template (Halimbawa ng Resume)

Paggawa at Halimbawa ng Resume
Heto na ang isang resume sample template (halimbawa ng resume) na maise-share ko sa inyo. Actually, eto ang format ng resume ko.

Yung italics part, guide lang para sa inyo kung ano ang isusulat sa resume. Please huwag mong ilagay mismo sa resume yung "Date Started - Date Finished". Understood na yun.




Para sa Certificates, within 3 years of validity lang ang dapat isama. Kung more than 5 years na ang nakaraan mas mainam na huwag nang isama. Pero kung wala ka naman na mailagay pang iba sa section na ito, pwede na rin para pang "laman" na rin ng resume mo.

Kung may mga license ka, pwede rin na isama sa Trainings/Certificates/License section  ng resume.

At tandaan, ang reference portion or mga taong pwede nilang kontakin para mag tanong about sa iyo ay nakasalalay sa desisyon mo. Sabi nga nila, references can either make or break you.

Click here ---> Resume Sample Template / Halimbawa ng Resume. Para makita ang file nito.


You can contact me o…