Paano Mag Bawas ng Timbang
Paano nga ba magbawas ng timbang o pumayat?
Hindi naman eto kasing hirap na iniisip ng karamihan. Ang idea na napakahirap daw mag bawas ng timbang o pumayat ay ang mga kung anu-anong pinapalabas sa commercial para lang maging bentahe ang mga produkto nila.
Once na maintindihan mo ang basic principles, malalaman mo na hindi naman pala ganun kahirap magbawas ng timbang.
Once na maintindihan mo ang basic principles, malalaman mo na hindi naman pala ganun kahirap magbawas ng timbang.
Heto ang ilang paraan o tips kung paano magbawas ng timbang kahit 10 pounds lang o 4.5 kilograms:
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabawas ng Timbang
Mga Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabawas ng Timbang
1. Bago mo man i-try na magbawas ng timbang, eto ang ilan sa basic or simpleng principles tungkol dito. Kapag kumain ka o uminom, ang pinapasok mo sa iyong katawan ay calories, na syang nagbibigay ng energy sa iyong katawan para makagawa ka ng mga activities (tulad na lang sa simpleng pag-click ng mouse button), lalo na ang mga pang-araw-araw na gawain. Kapag mas higit pa ang calories na pinasok mo sa katawan kaysa sa kung ano lang ang kailangan para sa mga gawain mo, ang mga natirang calories ay iniimpok bilang fat, usually sa mga lugar na ayaw mong maging bulko tulad ng tyan, braso, baba. Kapag naman kulang ang calorie intake mo, gagamitin ng katawan ang mga naka-reserve nito.
2. Ang effective na pagbabawas ng timbang ay makukuha lamang sa dalawang paraan, eto ay bawasan ang calories intake tulad ng pagkain ng mga masusutansyang pagkain (na may kaunting calories) o bawasan ang pagkain. At ang paggamit mo ng mga reserved calories sa pamamagitan ng pag exercise. So far, ang pinaka effective para magbawas ng timbang ay gawin ang dalawang bagay na ito. Kung i-try mo lang na magbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagda-diet lang, hindi lang sa hindi ganun ka-effective, kundi mas matagal pa ang resulta. Kung gagawin mo eto, may chance na mawala ang skin and muscle tone. Eto ay magdudulot ng hindi kaaya-ayang flappy skin (laylay na balat) na pa-swing-swing sa iyong katawan.
3. The best pa rin ay humingi ng advice sa iyong doktor bago ka magsimulang magbawas ng timbang. Ang pagbabawas ng timbang ay maaring kailangan ng pag-iba sa lifestyle, mabuti na malaman mo na wala kang natatagong karamdaman at magdudulot lang na mabalewala ang effort mo. Dahil ang doktor ay maaring magbigay ng mga advice kung paano magiging safe at healthy ang katawan mo habang ikaw ay nagbabawas ng timbang.
4. Ang pagbabawas ng timbang ay HINDI imposible. Kaya hindi naman kailangan na maging strict ka sa pagda-diet at gumawa ng mga extreme na paraan tulad ng mga walang lasa na pagkain na hindi mo naman talaga gusto. Dahil kung mangyayari yun, mahihirapan ka na magawa ang goal mo. Lahat naman ay pwedeng kainin, yun nga lang in moderation o katamtaman lamang. Pwede ka rin mag mix ng maliit na portions ng salad at gulay, prutas bilang snack ay mainam na paraan para sa isang balanced diet. Eto rin ay makakatulong na mabawasan o maalis ang pakiramdam na gutom ka.
There you are - apat na madaling paraan kung paano magbawas ng timbang.
Sundan mo lang etong simpleng advice, take it slowly, at maaring mabawasan ang iyong timbang na higit pa sa inaakala mo.
Sundan mo lang etong simpleng advice, take it slowly, at maaring mabawasan ang iyong timbang na higit pa sa inaakala mo.
Good luck!
Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang dito sa Facebook page at i-share na rin sa iba. Salamat!
Tinry ko dati ang pag-iiskip ng pagkain at 5 subo lang ng pagkain kada kain after 1 month pumayat tlga ako ng sobra 62 dati ang timbang ko nun tapos naging 48 nlang ngaun nung una di talaga ko makapaniwala natuwa ako kasi sa wakas pumayat na rin ako kaso nagkaside effects naglagas ung buhok ko nun halos mejo makalbo na nga ung bandang gilid sa buhok ko tsaka bumagsak ung mata mga mata ko tapos mejo naging sentive narin ako kunwari masagi lang ng siko nagkakapasa na kaagad yung braso ko so prang nawala na ung mga nutrients ko sa katawan. Nasobrahan tlaga ko sa diet. Andami na ding nagsasabi sakin na tumanda dw ako tignan dhil sobrang payat ko naraw. Meron pa ngang nagtanong kung may cancer dw ba ko kasi nga naglalags buhok ko tsaka pumayat ako ng sobra so payo ko lang guys is masama tlga ang mag-skip ng pagkain tsaka kontrolin nyo ung pagdiet para hindi kayo pumageeeeet!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletethanks for sharing. nice info
ReplyDelete