Paano Mag-sulat ng Objective sa Resume

Ang objective sa resume ang unang binabasa ng mga employer o ng HR manager. May mga resume template na mahaba ang objective statement pero okay pa rin naman ang traditional one-sentence objective sa resume. 


Basahin sa ibaba ang ilang tips para sa pagsulat ng resume objective statement.

 

Paano Mag-sulat ng Objective sa Resume


paano gumawa ng objective sa resume
Resume Objective

1. Umpisahan ang resume objective statement sa kung anong posisyon o trabaho ang hinahanap mo. Example, gumamit ka ng mga phrases tulad ng "To find employment in the financial industry," "To further my writing career", o kaya "To secure employment as a service crew."


2. Tapos idagdag mo kung ano ba ang pwede mong maibahagi para sa posisyon na ina-aplayan mo. Example, "where my ability to produce execptional work and meet deadlines," "where my extensive background in customer service," "in which I can utilize my exceptional nurse-patient communication."

3. At pwede mong tapusin ang resume objective statement mo kung paano ka makakatulong o ma-improve pa ang company. Example, "helps the company increase productivity scores," will improve company productivity," "will contribute to company culture."

4. Ilagay mo ang resume objective statement sa bandang itaas pagkatapos ng pangalan at address.


Tips at Paalala

Lagi mong i-update ang objective depende sa job position na ina-aplayan mo. Basahin mo ang job description nila at i-angkop mo dito ang objective mo para ma-qualify ka sa position.

Kung may pagka-general o generic ang objective mo, madalas at malamang pasadahan na lang nila ng basa ang resume mo at pwedeng ilagay na lang uli sa pile ng resume na na-submit sa kanila.

Kung ang resume objective statement mo ay naka-pattern sa kung ano man ang hinahanap ng employer o ng HR manager, mas magkaka-interest sila na basahin and this gives an impression na focused ka sa kung ano man ang kailangan nila.


Kung nagustuhan nyo ang article na ito pa-like na lang  dito. Salamat!

Comments

  1. pwede ba magpagawa ng cover letter sa inyo?

    ReplyDelete
  2. Hi Lanie,

    try mo gumawa ng cover letter mo muna and then e-mail me para matulungan kita for revision.

    paanopinoy @ gmail . com

    ReplyDelete
  3. Hi po,gudeve
    College student po ako,wala po ko na kahit na anung experience sa work.gusto ko po sana magpatulong gumawa ng resume:)

    ReplyDelete
  4. Hi Jaylah,

    Nabasa mo na ba etong post ko? Paano Gumawa ng Resume for Fresh Graduates

    Baka sakaling makatulong.

    ReplyDelete
  5. Hello po.. ako pala c ben.. mag papatulong sana ako sa resume ko. Pag uplay sa egensic po?

    ReplyDelete
  6. Pa help naman po..hirap po kc aq gumawa ng ibjective para sa resume q to apply abroad..tnx.

    ReplyDelete
  7. paano po gumawa ng resume para sa call center
    1st year college lng ako..

    ReplyDelete
  8. pwede patulong po sa paggawa ng obejective high school palang po natapos ko

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular Posts