Paano Talunin ang Candy Crush Saga


Paano Talunin Ang Candy Crush Saga (Tips)
by Heldervert

Candy Crush Saga Tips.

Anong device hawak mo?? Me apple ka ba?? I-phone ba ito, ipad, or ipod?? O mas gusto mo Samsung na pinapatakbo ng android? Malamang me mga APPs na yan…kakaadik, kakawili, pampalipas oras at minsan nakakagastos. Usong uso ngayon ang mga ito maaring dahil na rin sa mga social sites na kung saan todo ang pagka promote. May mga laro na libre, merong mga bayad. At sa paramihan ng bilang ng pagkadownload, isa sa pinakasikat ngayon ay ang Candy Crush Saga.

Ang Candy Crush Saga ay isang laro na kung saan pagtatabihin mo ang tatlo o higit pang magkakaparehong bagay para maka iskor, at mkabawas ng mga candy tiles. Katulad din nito ang sumikat at lumaos ng Bejewelled. Ang kaibhan lamang ay ang pagkakaroon ng mga stage mismong puzzle, maaring magbawas ng Jelly, iparating sa ilalim ng screen ang mga prutas, o dili kaya’y ang pagkamit ng puntos sa tinakdang limitadong oras. Me mga power ups na tinatawag dto pero madalas ito’y nakukuha sa pagbili sa Appstore o Google play depende sa gamit na systema.

Ito ang ibang mga teknik na nagawa ko at nasubukan na aking ibabahagi para makatapos ng mabilis sa larong ito.

Candy Crush Game Tips

1. Pag aralan ang Pwesto. Bago ka pumindot, tignan mo muna kung ano ang magiging kahihinatnan pagkatapos ng move mo. Tanungin ang sarili, ito ba’y makakabawas sa goal, or sacrifice ba to para mas makakukha ng mas magandang combinasyon sa susunod? Tignan maigi. Pag isipan bago gumalaw.

2. Unahin ung Baba. Ito ang madalas kong teknik. Madalas din nakakaiskor ako at nakakabawas ng jelly ng di sinasadya o nkakagawa ng combo.

3. Ikabesa mga special candies at kombinasyon. Kabilang na rin dto kung ano ang kalalabasan ng combinasyon na pagswipe sa dalawang special na candy. Pag madalas ka ng naglalaro magiging eksperto ka rin nito.

5. Tyagain at wag mainis. Marami talaga ang mga stage sa Candy Crush Saga na animo’y milagro na ang kailangan para matapos. Pero isipin lang, di naman gagawin yan na walang solusyon. At dahil sa randomize ang pagbaba ng mga candy, hintayin lng ang tamang pagkakataon. Kung di talaga pwede, wag sayangin ang natitirang life. Huminga malalim liwanagin ang isip at planuhing maigi.

6. Wag gumastos. Me balita na nasagap ko lng nung nakaraan na me bata na ginamit ang Card ng tatay para makabili ng power ups, at sa huli’y natapos nga ang laro, tapos din ang bulsa ni tatay, nagkautang sya ng halos 3, 000 USD. Ang tamang gawin lamang e matutong maghintay, me limang buhay ka bago maubos, di mo na kailangan pang bumili at gumastos para lang dto..isipin laro lang ito. Natapos ko ang larong itong ng walang power ups, or pagbili bili.

7. Gamitin ang kapangyarihan ng Facebook. Invite mo mga kaibigan mo, ipromote mo. O kung gusto mo gawa ka ng iba ibang account tapos invite mo sarili mo. Sa paraang to, naiwasan mo na gumastos, nagkaroon ka pa maraming kaibigan. At isa pa, kung marami ka device, wag iregister sa iisang account ang Candy Crush Saga sa paraang ito maari mo iinvite or magsend ng tiket sa sarili mo.

8. Swertehan lang.  Ito ang totoo sa larong ito, basta wag ipilit kung ayaw, pwede mo pa namang laruin sa susunod na araw pag kumpleto na ang Life mo ulit.

Lahat ng uri ng laro ay nakakaadik, dahil siguro sa ito’y nakaka challenge, nakakawala ng kabagutan at nakakapampalipas ng oras. 'Wag kalimutan na lahat ng sobra e bawal. Wag sayangin ang oras sa paglalaro lamang, bagkus ilaan na lang ito sa sarili mo, or sa mga mahal mo sa buhay. Sa pagdaan ng panahon, ang larong ito’y malalaos din, pero ang mga tao sa paligid mo, e nandyan pa rin.

Kung me mga stage na kailangan ng tulong. Wag mag alinlangan na ikontak kami at magmessage sa baba.



ANG NAGSULAT.
HELDERVERT CO GARMA
Blog: What.How.Why
Propesyon : Electrical Engineer
Uri ng trabaho: Konstruksyon
At sya’y Purong Ilokano

KONTING SALITA: 
Ito ang pangalawa kong artikulo, malamang makakita kayo ng mga mali mali sa sulat ko sa kadahilanang ako po ay namulat sa mga numero at di gano sa salita. Ang mahalaga, na sabi nga ng iba, ay ang mensahe at ang kaalaman na maibabahagi natin sa kapwa.


Please visit my site also at http://whathowwhy-heldervert.blogspot.com/ 

Kung nagustuhan paki-LIKE po sa baba at i-share.


Comments

  1. omg Engr! you just save my life! lol! joke lang :D pwede request how to make the angry bird laugh????

    ReplyDelete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular Posts