Top 10 Popular Work-At-Home Jobs for Filipinos

10 Work-At-Home Job Positions
Work-At-Home
Siguro naririnig mo o nakikita mo sa pag-internet ang mga trabaho online o sa internet. At naisip mo, ano nga ba mga available jobs online? Kaya narito ang PaanoPinoy para matulungan ka na magka-ideya tungkol dito.

Sa pakikipag-usap ko sa Roadmap Practice Co-Founder and CEO na si Frederic Bibard, isang online marketer, may dalawang (2) klase ng online worker ito ay ang Virtual Assistant at Freelancer and there’s a fine line between these two.

Virtual Assistant - employee with general skills which needs training and long term commitment
 
Freelancer - expert who deliver results

Maari nating sabihin na ang Virtual Assistant ay parang secretary, general ang scope ng trabaho. Usually, long term contract ito dahil ang isang VA ay nagbibigay ng professional administrative, technical, or creative (social) assistance sa mga clients from a home office. Ang isang VA ay mahalaga sa operasyon ng isang business-to-business (B2B) company.

Samantala ang Freelancer ay may specific services na offered (per project basis) sa client/employer tulad ng web design/development, lead generation, logo/general graphic design, SEO (Search Engine Optimization).

  General skills needed para sa work-at-home jobs:

  1. Good grasp of English language for communication and knows how to deal with people.
  2. Knowledge in office computer programs and good record keeping skill
  3. Knowledge in Google search terms/commands
  4. Organization and time management skills
  5. Bidding and estimating skills dahil dapat alam mo i-gauge ang sarili mo kung magkano dapat ang fee for a project at kung matatapos mo ba on-time ang mga ito.
Kung ikaw ay may basic skills na nasabi sa itaas at may sarili kang computer at internet connection, nandito ang listahan ng work-at-home job positions.

  Top 10 Popular Work-At-Home Jobs: 

  1. Appointment Setting – usually this is done by phone calls. Gagamit ng VoIP services para makatawag sa mga possible consumers/clients,parang call center agent tulad ng Skype, MagicJack, Google Talk. 
  2. Data Entry – or typist na tinatawag. May mga data na kailangan i-encode sa database ng employer at kailangan i-record ito ng maayos.
  3. Web Research – as the term per se, taga “Google” ng mga data o informations na kailangan ng client. Mainam na alam mo ang mga search terms/commands para mas madali at makapag deliver ng refined results sa employer. 
  4. Sales/Lead Generation – parang web research din pero may specific target, eto ay ang makahanap ng mga leads o clients para sa isang company na magiging consumer nila ng product na binebenta/offered, not limited sa item products maari din na services din ang offered ng employer/client mo. 
  5. Email Marketing – Taga send ng email template ng employer. Repetitive nga lang ang task na ito. Depende sa gusto ng client if manual sending thru email service providers or gagamit ka ng software (maaring provided din nila ito). 
  6. Web Design/Development – kung marunong ka gumawa ng websites at mag encode gamit ang mga programming language, heto ang isa sa mga in-demand na work online.
  7.  Logo/Graphic Design – Malaki din ang pwedeng kitain dito. Minsan may mga contest na ginagawa sa mga ilang websites at pwede kang kumita ng $5-$100 o higit pa sa ginawa mong design. 
  8. SEO – Search Engine Optimization, eto ang paraan para maging angkop sa mga search engines ang website para madaling mahanap at lumabas sa result kapag nag search ang isang tao gamit ang Google, Yahoo, Bing, at iba pang search engines. Eto ang isang magandang guide kung gusto mo matutunan ang SEO
  9. Content/Article Writing/Editing – kung hilig mo ang magsulat eto ang nararapat na trabaho sayo. Para kang “ghost writer” para sa isang client. Mainam na matutunan ang basic SEO sa article writing para mas maging angkop sa mga search engine results. Click mo lang “Advanced Guide to Content Marketing” kung gusto mo malaman kung paano gawin eto. 
  10. Project Management - Kung may skill ka sa pag organize at marunong makitungo sa ibang tao, heto ang trabaho sa iyo. Parang sa isang opisina din, may kailangan matapos na isang project at ikaw ang mag-oversee/coordinate kung nagagawa nang tama ang production at matatapos on-time.
Ngayon may basic idea ka na kung anong mga available work-at-home jobs, pag-aralan mo na kung paano mo matutunan ang mga ito o paglinangin pa ang mga nalalaman mo para makapag-trabaho online.

Related Post: Paano Mag-Trabaho Online?

Kung may tanong ka o suggestions, comment lang sa ibaba o gamitin ang contact form. May Facebook at Twitter din ang PaanoPinoy, click mo lang sa kanan.


Nabasa mo na ang post na ito, share mo na rin sa iba. Salamat!

Comments

Popular Posts