Paano Gumawa ng Resume: For Students and Fresh Graduates
Ilang Tips kung Paano Gumawa ng Resume para sa mga Students at Fresh Graduates
Ang pagkakaroon ng isang presentable na resume ay napaka-importante para makakuha ng trabaho. Kailangan ng bawat isang aplikante o ng isang graduating student ng isang impressive na resume para naman makakuha ng trabaho at kumita ng pera para sa pang araw-araw na pangangailangan. Kaya paano nga ba gumawa ng resume kung ikaw ay isang student pa lamang o kaya naman ay isang fresh graduate? Heto ang ilang tips upang makuha ang atensyon ng isang employer.
The secret of success is to be ready when your opportunity comes. Benjamin Disraeli
Ano nga ba ang dapat nilalaman ng iyong resume?
Karamihan sa mga estudyante ay may paniniwala na kapag walang laman ang work history ay mababa ang chance na maging qualified para sa isang posisyon. Kaya naman naiisipan ng iba na lagyan ng mga kung anu-anong work history na minsan sa kadalasan ay hindi naman totoo o kaya naman totoo nga pero exaggerated. Malalaman ng isang employer kung ang nakalagay sa resume mo ay totoo o hindi. At kapag nakita nila na sa resume pa lang ay may dishonesty ka na o pagsisinungaling, malamang ibasura na lang nila ang resume mo. Ang isang resume ay hindi lamang tungkol sa work experiences at achievements mo kundi ito ay isang chance mo na ibenta ang iyong sarili (promoting yourself) gamit ang iyong mga skills o kakayahan.
So, anu-ano nga bang mga bagay ang dapat mong ilagay sa resume mo kung wala ka pang work experience?
Karamihan sa mga estudyante ay may paniniwala na kapag walang laman ang work history ay mababa ang chance na maging qualified para sa isang posisyon. Kaya naman naiisipan ng iba na lagyan ng mga kung anu-anong work history na minsan sa kadalasan ay hindi naman totoo o kaya naman totoo nga pero exaggerated. Malalaman ng isang employer kung ang nakalagay sa resume mo ay totoo o hindi. At kapag nakita nila na sa resume pa lang ay may dishonesty ka na o pagsisinungaling, malamang ibasura na lang nila ang resume mo. Ang isang resume ay hindi lamang tungkol sa work experiences at achievements mo kundi ito ay isang chance mo na ibenta ang iyong sarili (promoting yourself) gamit ang iyong mga skills o kakayahan.
So, anu-ano nga bang mga bagay ang dapat mong ilagay sa resume mo kung wala ka pang work experience?
Resume Components or Parts
Heading
Ito yung pinakataas na bahagi ng resume. Dito mo ilalagay ang basic information mo tulad ng pangalan, mailing address, contact numbers, email address, at kung may sarili kang website tulad ng blog mo kung meron ka.
Educational Background
Dito mo ilagay ang tungkol sa college degree mo at mga
relevant na training courses. Kahit hindi ka pa tapos sa pag-aaral, ilagay mo yung last year attended mo, yung name ng school, course/degree,
at year of graduation or expected year of graduation.
Objective
May post na rin ako regarding dito, tignan mo na lang sa sitemap. Ayon sa mga
na-research ko at nabasa, mainam na gumawa ka na lang ng cover letter at huwag
na lang maglagay ng objective. Pero may mga ibang employer na mas gusto pa
nilang diretso na lang sa resume. Kaya kung maglalagay ka ng objective sa
resume mo, magsulat ka ng at least 2-3 sentences at i-describe mo kung ano ba
ang goal mo para sa job position at sa iyong career.
Selected/related experience
Ibig sabihin yung related lang sa gusto mong pasukan na
trabaho ang ilagay mo. Kung wala namang related experience then include mo na
lang yung internship / on-the-job trainings o kaya naman volunteer positions na
pinasukan mo. Isama mo na rin ang job description nito.
Skills
Okay, eto ang matatawag nating “big star” sa resume mo.
It’s your time to shine! Kaya mainam na basahin mo uli ang job description ng
gusto mong pasukan na trabaho and then ilagay mo dito kung ano yung kakayahan
mo na angkop para sa trabaho. Of course, not limited sa kung ano ang kaya mong gawin sa ngayon kundi kung ano pa ang kaya mong i-develop.
Honors, Awards, and Recognitions
Well, this section of your resume is not necessary pero
maari pa rin ito makatulong para maging patunay na masipag ka.
Activities, Affiliations, Special Interest
Tulad sa honors and awards section, hindi naman ito isang
requirement pero makakatulong pa rin ito para maipakita mo ang iyong
communication and leadership skills.
Style of Resume
Wala naming official na style para sa isang resume. Ang
mahalaga ito ay professional-looking, maayos, malinaw, at madaling basahin.
Kaya mainam na isang page lang ang resume dahil sa dami ng mga nag-a-apply
ngayon for sure marami ring kailangan na basahin ang isang employer. So, dapat
lang na maging outstanding ang resume mo sa gitna ng maraming resume.
Ugaliin na i-update mo ang iyong resume. Isang paraan din
ito ng pag-practice sa paggawa mo ng resume. Tignan mo kung anong information
ang kailangan na baguhin o idagdag pa sa bawat trabaho na gusto mong pasukan
para maging eye catching, presentable and impressive ang resume mo at makakuha
ka ng job offer.
Sa susunod na blog post ko ay ang mga sample resume at cover letters. If kailangan mo ng tulong or guidance sa resume mo, just contact me. Baka matulungan kita. Tulong at hindi taga-gawa... magkaiba yun. Hehehe.
Please like us and share this post. Thanks!
Related Topics:
Paano Gumawa ng Resume: Sample Template (Halimbawa ng Resume)
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletemay nabibili bang rsume sa school supplies?
ReplyDeleteHi Ivy,
DeleteWala pong nabibili na resume. Ang meron lang is bio-data.
paano po kung wala talaga akong skills...ano pong pwedeng ilagay sa resume ?
ReplyDeleteHmmm sigurado naman ako na walang tao na walang skills. Meron at meron yan baka hindi mo lang binibigyan ng pansin. Ano ba ang hobbies mo? Ano ang mga interest mo sa buhay?
Delete. anu po ba sa tagalog ang skills ??? Sorry ha ang bobo cu ..
ReplyDeleteHello Charina, skills po ay kakayahan o kahusayan.
DeleteSaka hindi ako naniniwala na may taong bobo. Siguro may tamad lang talaga or sa ibang bagay ang talino.
Sabi nga kung ang batayan ng talino ay tulad sa pag akyat ng puno, iisipin ng isda na sya ay mangmang habang buhay.
Pasensya na at medyo napahaba ang sagot. (^_^)
. hi, anu po ba ang kylangan pg gumawa ng resume sa computer ??
ReplyDeleteAng kailangan mo lang ay microsoft word kung saan pwedr ka mag type ng anumang document na gusto mong gawin. Sa lahat ng computer shop meron naman nito. Magpatulong ka lang sa kanila at i-assist ka nila pati sa pag print. Yun nga lang kung hindi ka maalam sa pag type at pag gamit ng computer pwede mo naman isulat sa isang papel ang resume mo at magpa type sa computer shop na nag o-offer ng ganitobg serbisyo. Syempre eto ay may bayad.
DeleteHi,
ReplyDeleteAre resume pictures can be made omitted? Is it acceptable or rather allowable?
Hi,
DeleteYou can include it or not but it really depends on what the company requires you to submit.
Personally, I dont require it since in my line of work appearance doesnt matter. But in case you are applying as a customer representative or the likes, the company might require it.
In case you're not sure might as well include your picture.
Hi again,
ReplyDeleteThank you for your immediate response. It was really helpful to me.
I'm glad to be of help.
DeleteWish you all the best and may you able to find a career success. ^_^
Wala po ba kayong sample templates po? Kaka graduate ko pa lng at 3 months na ding tambay. Aapply sana ako sa toyota as information staff. Wala akong idea pano gumawa ng resume eh. Please help
ReplyDeleteMeron po. Hanapin nyo lang yung Paano Gumawa ng Resume: Sample Template (Halimbawa ng Resume). Nasa bandang kanan sa itaas. Popular posts.
DeletePwde po kuya pla n ang ilagay sa work experience ay ung company kung saan ako ng.OJT...
ReplyDeleteHello jafet, una po babae po ako. Hehehe. Anyway, pwede mo syang ilagay under trainings and seminars. Kung may seminars kayo da school na related sa pagtatrabaho at nag attend ka, isama mo na rin. Sorry sa late reply. Medyo busy.
Deletepaano gumawa ng resume sa tulad ko di nakatapos ng high school. 3rd high school lang natapos ko
ReplyDelete
ReplyDeletePaano po kung walang malagay sa work experience? Freshman student palang po kase ako and im planning to apply at fastfoodchains like jollibee and mcdo.
ReplyDeletePaano po kung walang malagay sa work experience? Freshman student palang po kase ako and im planning to apply at fastfoodchains like jollibee and mcdo.
hi...po..mag aaply po ako ngayon aa savemore aa cashier pang 2nd time ko na po ito sana naman matanggap ako.heheheh paano po ba ang dapat isagot sa Why we should hire you ..at what can you contribute to oir company
ReplyDeletehi tanong lng pwede po ba hindi na lng ilagay ang birth date sa resume?pls pa answer na mna po tahnks.
ReplyDeletehindi na po ba importanteng ilagay yung Character references?
ReplyDeletepwede ko po ba malaman kung may tatanggap pa saken sa edad ko na 37 years old.
ReplyDeletehello po! tanong ko lang po kung may pag-asa pang makahanap ng work yung friend ko. Sa totoo lang college grad po siya kaya lang ngayon nahihirapan siyang maghanap dahil sa pagkakamali na nagawa niya nun college na magiging dahilan para mas lalo siyang mahirapan sa pagkakaroon ng trabaho. Pwede kaya niyang magamit ung high school diploma niya? Sana po ay may mai-suggest kayo na pwede kong i-share sa kanya. Salamat po and god bless!
ReplyDeleteMeron po nang tagalog yang mga bahahi o section ng resume?
ReplyDeletepaano naman gumawa ng video resume?
ReplyDeletehi po,, kailangan po ba English ang sasabihin. no sa resume?
ReplyDeletekailangan po ba english lage ang. isusulat sa resume
ReplyDeletePaano po pag wala pa talagang karanasan? Kahit OJTs wala pa? Ano pong ilalagay? Kumbaga po parang activity lang namin na gumawa ng resume. Grade 12 student po ako.
ReplyDelete