Paano Mag-Trabaho Online?

Sa pagtaas ng unemployment rate sa ating bansa marami sa atin ang naghahanap ng ibang paraan upang magka-trabaho. At umusbong ang online job/work-at-home/outsourced jobs na tinawatag. Degree holder man o hindi nakatapos sa pag-aaral ay maari kang makapag work online.

Maraming mga online jobs ang available. Kung marunong ka sa computer programming, web designs/creations, photo editing, o kaya may good grasp of English language ka maaaring pagkakitaan eto ng hindi mo na kelangan pang umalis sa bahay mo. Kailangan lang ng access sa internet at computer.


Paano Mag Trabaho Online
Paano Mag Trabaho Online

Home-based online jobs.
Isa na rin ako sa workers nito. May mga ibang kaibigan na rin akong nag try nito at malaki rin ang kita kumpara sa 8am-5pm jobs. Kung mas marami kang skills, mas maraming online jobs ang available para sayo

Heto ang mga site na mare-recommend ko personally: (Update ko na lang kapag may time)



Work At Home Job Sites

1. Upwork.Com (formerly known as oDesk at nag merge na with Elance) - isa sa mga pangunahing websites para sa online jobs or outsourcing na tinatawag.

Gumawa ka ng sariling account mo. Dapat true informations ang ilalagay mo dito. Mangangailangan ang Upwork ng identity verification. Kelangan mo ng valid I.D., scanned profile picture na kahintulad sa picture mo sa ID at proof of billing. I-scan mo ito para ma-verify nila ang identity mo. May mga tests din dito para sa ibat-ibang skills para ma-build up ang profile mo at ang mga skills na ito (hal. English Grammar skill) ang magiging isa sa mga batayan ng employers para tanggapin ang iyong job application. Mainam na may paypal account ka para mas madali na lang ang pag withdraw o pagkuha ng earnings mo sa Upwork. (Gagawa rin ako ng post tungkol sa pag set up ng paypal account at kung paano ma-withdraw ang paypal balance mo.)

Intro Video: Getting started with Upwork.

2. EasyOutSource.Com - dito ako nakahanap ng online job ko na Data Entry/Researcher. Mas madali ang pag sign-up dito. Kelangan mo lang ng email address parang facebook lang at member ka na ng site.

Sa profile mo, dito mo pwedeng ilagay ang mga skills na meron ka. Pagkatapos mong mag build ng profile mo, click mo lang yung Get an Online Job at makikita mo na ang mga listahan ng available jobs.




Work At Home Payment Methods:

Marami na ring online payment platform na umusbong. Isa na dito ang Payoneer. Mas mataas ng konti sa paypal ang exchange rate. You need a bank account para ikonek dito para makuha mo yung earnings/sweldo mo. Nandito ang How-To videos na pwedeng mag guide sa inyo. Maraming pwedeng pagkakitaan. 

LFT - Local Fund Transfer. Isa sa mga option na meron sa Upwork. Eto yung payment from Upwork to your local bank account. Pwede kang kumuha ng EON Card from UnionBank. 150pesos fee for the card and then 350pesos annual fee.

Or kung may bank account ka, kung may option eto sa job platform tulad ng Upwork pwede mong i-link yung bank account sa "freelancer" profile.

Kung wala ka namang bank account, pwede kang kumuha ng Gcash Mastercard at pwede mo etong i-link sa PayPal account at pwede mong ma-withdraw sa mga atm machine ng kahit anong bank.

Meron din naman mga Paypal Encashers. Eto yung mga tao na ise-send mo sa kanila yung earnings mo from your online payment method like paypal o payoneer. Tapos sila ang magse-send sayo ng cash with certain fee kada amount. Pero ingat po kung gagamit kayo ng mga encashers at may mga scammers. Wala po akong mai-re-recommend na tao kasi di pa ako nagpa encash ng earnings/sahod sa ganitong method.


PAALALA:

  • Kung may matanggap ka na email letter na nag o-offer ng online/homebased job at kelangan na magbayad ng ilang halaga para makapag umpisa, malaking chance na scam eto o kaya naman multi-level marketing lamang.
  • Basahin mabuti ang Terms and Conditions ng kung anumang online jobs posting site para makaiwas sa aberya. Ignorance of the law excuses no one.
  • Mag research tungkol sa company na nag o-offer ng job, mga feedbacks or reviews. Sa Upwork, may indication kung may verified mode of payment ang isang employer/client, kung ilan na ang job post nito at kung magkano na lahat ng nabayaran nya para sa mga services
  • Huwag mag simula ng trabaho kung walang "contract" or hindi malinaw kung paano ang method ng bayaran.
  • Huwag tumanggap ng trabaho na may unrealistic amount of "trial" work. Baka pinagta-trabaho ka na lang ng libre. Pwedeng paid training o kung lead generation naman okay na ang 5-10 samples na work.
  • Ihanda mo rin ang iyong resume. Ilagay mo lahat ng experiences mo dito kahit sa ibang field ang work experience mo. (Paano Gumawa ng Resume)


Facebook Group: Online Filipino Freelancers (OFF) - Please read the pinned post and look for the newbie thread para malaman nyo kung saan at paano mag umpisa.


BONUS! Sa larangan ng online work, kailangan ng sipag sa pagbabasa dahil hindi ka naman tuturuan ng step 1, step 2, step, 3 na parang nasa school. At kung gusto mo talagang matuto, kailangan mong magbasa talaga. Sariling sikap ang freelancing. Wala kang aasahan na iba para turuan kang matuto ng skills na kelangan sa trabaho. Oo, may mga online groups pero kung gusto mong maging freelancer o mag work-at-home kailangan mong turuan ang sarili mo nang mga bagay na kailangan sa trabaho.

Eto ang Freelancer Manual from oDesk na ngayon ay Upwork na. Magandang guide eto kung gusto mong tahakin ang mundo ng isang online freelancer.

Related Post: Top 10 Popular Work-At-Home Jobs for Filipinos

Kung may tanong ka or anuman, mag comment lang dito or sa Facebook page at magre-reply ako as soon as possible. 

Happy job hunting mga ka-Pinoy! Sana makatulong eto sa iyo.




Comments

  1. Hi,

    Great post! Nag try po ako sa Odesk pero until now hindi parin ako makakuha ng job offer sa dami ng ka kompetensya for data entry jobs. Newbie po ako about online jobs and i hope na matulungan nyo po ako.

    Thanks,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi xjusan,

      Kamusta na? Nakahanap ka na ba ng online work? Upwork na ang oDesk, sana may client ka na and working at home. (^_^)

      Update naman dyan.

      Delete
    2. Good evening po sir ask lng po, anung website po mhanap ang mga online jobs po,?

      Delete
  2. Hi xjusan,

    Salamat sa comment!

    Kahit ako matagal-tagal din bago ako nakakuha ng project sa oDesk. Nag try ka na ba kumuha ng mga test sa oDesk? Complete na ba ang profile mo? Try to consume your job application limit. Apply lang nang apply. But I suggest yung mga verified payment lang.

    ReplyDelete
  3. Good Day!

    bago lang po ako sa odesk as in newbie. gusto ko po sana kasi makakuha ng part time dito as data entry/encoder. kaso wala pa ako exact idea kng papano ako maguumpisa.

    pwede din po kayo mag send sa email ko: footlong004@gmail.com

    Thank you po!

    ReplyDelete
  4. Hello Sol!

    Naku sorry ang tagal na pala ng comment mo. Pasensya na at hindi ko na naasikaso blog ko.

    Anyway, try mo sumali sa mga Facebook group tulad ng Pinoy virtual Assistant Network, oDesk Philippines, Pinoy @ oDesk... try mo makakuha ng "networks" or mga kakilala sa online work.

    Don't fail to consume your application limit every week. Browse ka lang ng job offers. Makakatisod ka rin ng client.

    Sabi nga, TIWALA LANG.

    Good luck!

    ReplyDelete
  5. I'm a newbie here also sa odesk...nalilito din po ako kung anong work talaga ang pwede saken...baka kasi pagdating ng work hindi ko mapanindigan...ano ano po ung mga work para sa mga beginner?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello sorry super duper late reply. Sana nakahanap ka na ng work. Eto yung isang kong post kung ano mga work na pede mong pasukan online.

      https://paanopinoy.blogspot.com/2013/07/10-work-at-home-job-positions.html

      Delete
  6. To paano pinoy,

    Paano po pag walang paypal account ako. Meron ln ako ay bpi and bdo account

    May experience ako sa CSR and
    I can type as 60WPM
    Suggestion ln po kung ano mas okay ang ipabukas ko n bank account or okay na ba ung bdo ko na savings account? Or ung bpi account ko which is from my previous company. Thanks a lot po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Mryunyang17,

      Sa Odesk.com na ngayon ay Upwork.com na pwede naman direct to your savings account ang bayad. Local Fund Transfer (LFT) ang tawag. Madali lang din naman gumawa ng paypal. Create ka ng account, add mo yung atm card then wait mo na i-verify nila. They will take a small amount usually $1 ata (converted na) tapos pag na verify nila, ibabalik din ng paypal yung kinuha nilang pera for verification purposes.

      Delete
    2. Kung nag CSR ka, need mo lang na dapat magandang internet connection, okay na headset, tahimik na environment at pwede kang mag apply bilang telemarketer or CSR din. Yung ibang employers willing naman sila mag train basta masipag ka lang at may initiative na matuto. Good luck!

      Delete
  7. good day. baka pede nyo ako mtulungan, need ko tlga ng online job, kaso wala nmn akong ntapos, 1st yr hs lng ako, pro kahit ppano nman marunong ako sa computer ok din nmn ang english skill ko. sana may marecommend kayo n work or website pra skin,ng aaral na kse mga anak ko kaya sa online job lang ako pede

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi! Eto yung post ko about mga available online jobs https://paanopinoy.blogspot.com/2013/07/10-work-at-home-job-positions.html

      Meron ding mga FB groups na makakatulong sayo. Magbasa ka nga lang talaga ng mga notes, comments, posts. Kelangan sa online job ay may sariling kusa na matuto. Bawal po spoon feeding. Pedeng i-train tayo ng mga employer pero gusto nila yung willing matuto ng sarili at masipag.

      Eto yung FB group na member ako. Marami kang matutunan dyan. Kelangan lang talaga ng sipag at tyaga.
      https://www.facebook.com/groups/ElanceOdeskFreelancersPH/

      Good luck!

      Delete
  8. hi I know na masyado na pong matagal ito. pero paano ko po makukuha ang money ko sa paypal account ko? im still 15 palang po kasi and I need a part time job really quick dahil sa mga expenses ko po. i hope you reply po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, I'm assuming wala ka pang bank account? Pero if parents mo may bank account you can connect it to paypal but with parents supervision dapat. If not, pede na ang paymaya para ikonek sa paypal but then para makuha yung pera from paymaya, you need to request for a card. Nasa 150 ata yun. Gcash pede na rin ata.

      Delete
    2. Hi, paano po mag-apply ng GCash...sa kahit anong bank po ba?..ano po ang document or requirements at meron po bang initial deposit or payment?...makukuha rin po ba kaagad?..salamat po!

      Delete
  9. Hello Po sa Lahat.


    Kailangan Ko Po Talaga Ng Trabaho..kahit anong Trabaho Po Gagawin Ko Makakita Lng Ng Pera kasi Glnagigipit po Kami

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Alem,

      Lahat tayo kelangan ng trabaho. So kelangan i-enhance pa natin yung skills, knowledge, and attitude habang nag hahanap ng work. Ano ba ang mga kaya mong gawin? Akma ba yung pinag-aaplyan mo sa skills na meron ka?

      Saan ka ba naghahanap?

      Delete
  10. Thank you po s blog nyo, very helpful po ito s akin... Ano pong magandang internet provider s mga home base jobs? Thank you po sa reply... God bless you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi Kara, salamat naman at nakakatulong sayo ang blog ko. Sa ngayon ang hinahanap ng mga client ay at least 2-3mbps ang download and upload speed. Mas okay pa rin sa akin yung wired internet kaysa wireless internet kasi mas stable ang connection. Pero still depende pa rin eto kung saan ang location mo. At dapat may back-up internet ka kung sakaling magka-problem sa main internet connection mo.

      Busy lang sa work kaya pasulpot-sulpot lang din makapag update pero I'm trying my best to reply sa mga comments dito. Good luck!

      Delete
    2. Ako gusto nang online Jod kaso nde ko alam paanu magsimula

      Delete
  11. hi. same lang po ba yung onlinejobs.ph and easyoutsource.com? kasi parehas na parehas sila ng webpage nila. Iba lang yung name ng website.

    ReplyDelete
  12. Salamat sa pag share mo malakeng tulong ito sa mga baguhan na tulad ko. :D

    ReplyDelete
  13. Salamat sa pag share ng BLOG mo malakeng tulong ito sa mga baguhan na tulad ko. :D

    ReplyDelete
  14. Hi..ask ko po n gusto ko mag home based job pero wla pa po akong idea po ano po Yong unang hakbang ko po? Ano PO unang dapat Kong gawin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi, paanong umpisa po ang gusto nyo? I think nalagay ko na sa blogpost kung saan pwede maghanap ng work at may post na rin po ako kung ano ang mga kelangan ninyo.

      Anyway, to help you to start. Ang unang tanong na dapat mong sagutin at alamin, ano ba ang skill set mo? Ano bang services ang kaya mong i-offer sa mga client?

      Delete
  15. good day po,,,gusto ko po sanang magtrabho kaso wala po mag aalaga ng anak ko...sana matulungan nyo po ako kahit sa bahay nalng po ako( mag work home base..)first time ko po..sana matulungan at maturuan nyo po ako..maraming slamat po and godbless po sa lahat....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Check nyo po etong facebook group https://www.facebook.com/groups/ElanceOdeskFreelancersPH/

      Pakibasa muna yung pinned post bago mag post or magtanong sa group.

      Bawal po ang tamad sa pagbabasa sa pagiging home-based worker, lahat po tayo ay dapat maging independent kung eto ang landas na tatahakin mo bilang trabaho. Good luck po!

      Delete

Post a Comment

Thanks for your feedback!

Popular Posts